May 19, 2003

Tanong.

Kumusta na? Kailan ka dumating? Matagal ba ang biyahe mo? Sino ang kamukha niya? Nakakakain ka na? Anong balita? Kumusta ang biyahe mo? Anong ginagawa mo doon? Tapos ka na ba? Marunong ba siyang mag-Tagalog? Napanood mo na iyong bagong Matrix? Anong gusto mong kainin? Pupunta ka bang Maynila? Anong pinanood ninyo sa eroplano? Anong pasalubong namin? Kumakain ba siya nang Pilipino food? Hindi ka ba natatakot sa SARS? Sinong kapitbahay mo doon? Madalas mo bang makita si Sulpicio? Anong naman ang gagawin mo sa conference? Matagal ba kayo sa airport? Saan kayo natutulog? Anong uso ngayon doon? Pumunta ba kayong duty-free? Marunong na ba siyang maglakad?

Ilan ang ibon sa batok ko? Ano ang sinabi nang bata sa papaya? Binili ba noong madre iyong pipino? Malapit ba ang salamin sa baso? Kailan ka papasok sa kubeta? Sino ang kumuha nang tatsulok galing sa kahon? Binanatan mo na ba? Kinuhanan mo na nang litrato ang puno? Marunong ka bang kumatay nang matsing? Saan nawaglit ang relo? Madalas ka bang nakakasira nang computer? Wala ka bang napapansin sa buhok ko? Malaki ba ang opisina nang principal? Wala bang magamit na santol? Gusto mo bang magpalampaso? Hahanap ba ako nang gatas? Mainit ba sa gubat? Malayo ba iyong lalakarin niya?

Anong oras kayo umalis doon? Anong sasabihin mo sa kasal? Kasya ba kayo diyan sa kuwarto? Kailan kayo bibisita ulit? Kailan kaya kami pupunta diyan? Magsusulat ba kayo? Anong kinakain niya? Sinong nagaalaga sa aso ninyo? Saan kayo nakatira doon? Anong pinapakinggan mo ngayon? Gusto mo bang magpagupit dito? Kailan kaya kita mabibisita? Iyong kotse ninyo, saan ninyo pinarada? Gusto ninyo bang mag-swimming? Alam ba nang mga kapitbahay mo na wala kayo? Magiimbita ba ako nang kaibigan mo? Malapit na bang mag-expire ang passport mo? Gusto mo ba nang talunan? Malamig ba ngayon sa San Francisco? Sinong nag-aalaga sa bata? Maraming bang imbitado? Iyong utol mo, kailan ang punta doon? Kumusta na?

Posted by the wily filipino at May 19, 2003 09:51 PM
Comments

Sarap kausap ang mga kababayan no? Paulit-ulit. Tulad ng hirap ng mga Pilipino at Pilipinas, paulit-ulit.

Nabanggit ka at ang blog mo ng bespren mo, Romeo Quintana. E-mail kami back and forth noon. Kaya lang natigil dahil parehong busy, busy sa pag-plano bumalik sa California. Tanong, kailan kaya?

Posted by: Ed Sangalang on May 20, 2003 01:33 PM

isa pang laging natatanong ay ang pag kumpara ng pilipinas sa amerika.

Posted by: ibalik on May 20, 2003 05:06 PM

Ed: Saan mo naman nakilala si Romeo? Ikaw ba ang babalik nang California, o si Romeo? (Matagal na niyang pinaplano eh.) BTW: Blogger has totally blogged up your archives.

Actually, ibalik, I felt that the entry was somewhat mean-spirited. Para kasing pinagtatawanan ko ba yung mga nagtatanong. But I wanted to illustrate the ambivalence about returning, as well as the absurdity/banality of my answers -- not the questions per se, but my potential answers. Tipo bang ang masasagot ko lang ay "Ok naman. Pareho pa rin. Medyo-medyo. Ok naman." over and over. (I see my brother has already answered them.)

Posted by: the wily filipino on May 21, 2003 04:44 PM

Wily Pinoy: Nabasa marahil ni Romeo ang blog ko about my grand plans of returning to California. Perhaps he found it serendipitous he sent an email. Exchanges followed pero ang mga plano hanggang plano na lang. And from the looks of it, I may be trapped in NY with no escaping.
Can't understand blogger and how to get around the archive crap. Maybe it's a message that I stop wasting time blogging. Am no techie but thanks for alerting me.

Posted by: Ed Sangalang on May 22, 2003 08:05 AM

Not your fault, Ed; blogger's archives have been screwed up for quite some time now all over the place. In addition, a good number of pages have been loading really slowly as well.

Posted by: the wily filipino on May 22, 2003 04:14 PM
Post a comment