December 29, 2004

Reunion.

Kahapon -- este, kaninang umaga pala -- ang mini-reunion nang Class op '86 nang Mataas na Paaralan nang Rural dito sa Los Banos. Sa bahay kami ni Waldo sa Pansol sa may tabi nang bagong Halfway. Parang umulan nang toms, yosi at videoke.

Isipin mo na lang: mahigit kumulang nang trenta'y singkong tao (na ang average age ay trenta'y singko rin siguro) na ilang taon nang hindi nagkikita at nakawala sa mga asawa't anak (kung meron). Grabe ang alaskahan. May mga namayat (isa na ako roon, kasama si Ester -- Eloise, isa ka na roon). May mga hindi nagpalit, este, nagbago (si Alvaro, Ghandi, Joan C., Camilla). May mga nagsipag-laparan (my lips are sealed at baka may magalit -- sa totoo lang, maraming magagalit). May parang tumangkad (si Alice). May mga love team na dati, ibinuhay ulit. (Hulaan ninyo kung sino ang tinawagan sa cell noong magumpisang kumanta si Leah P. nang "It Might Be You?") May mga taong hindi magka-love team dati, ipinagtambal. May mga nalasing, wala pang alas-nuebe. May nakatulog (ako iyon). Mayroong videoke king and queen. Naglabasan nang mga litrato nang mga anak. Meron daw lumambitin sa bintana at tinitulungan yung sumusuka sa banyo. At may mga revelation din: nalaman na rin nang mga ka-batch kung kung sino ang crush ni Bessie. At kung bakit kulot ang buhok ni Alex noong second year. Puro kantahan din: kayang-kaya pala ni Trino na kumanta nang "Botsikik." Ako naman, nakakanta nang "Honesty" ni Billy Joel at naka-93. 'Ata.

Roll call daw (medyo mahirap dahil hungover pa rin ako, at alas-tres na ako nakauwi), by seating arrangement sa harap nang videoke (mabuti naayos dahil biglang nasira noong kumanta si Boits nang "Careless Whisper"): Pulge, Ghandi (tatakbo raw nang mayor nang Calamba), Papa Smurf, Arman, Ralaboy, Trino, Boits, Roman, Al (tatakbo rin daw nang mayor nang Calamba), Cynthia, Charina, Sandy C., Jay, Rico, Dean, Alex U., Tewalds, Heidi, Ruby, Sanya, Camille, Manuel, Joan C., Leah P., Mavelle, Jason, Irene, Bessie, Alice, Mayet, Osang, Eric, Noel G., Arturo, at siguradong meron akong nakalimutan.

Saka na group picture...

Posted by the wily filipino at December 29, 2004 07:15 PM
Comments
Post a comment