December 31, 2004

Welcome To Konyo Kids Kountry.

Kahapon, bilang Part 8 of my quest na hanapin ang Jolography, pumunta kami sa heart of Konyo Kids Kountry, ang EDSA Shangri-La Plaza. Ngayon lang ako nakatungtong nang Shangri-La, at medyo nagulat ako sa mga tindahan doon: Furla, Burberry, Kenneth Cole, Bally. Paano kayang nananatiling bukas ito sa Pilipinas? Mas nakakatawa pa ay ang layout noong mall: hiwang-hiwa nang EDSA at nang LRT station ang Starmall at ang Shangri-La. Para talagang class divide, pero ang mga taga-Starmall ay nakakatawid papuntang Shang -- kung baga'y nakakatikim ang tao nang ilusyon nang demokrasya...

Pati mga namimili sa Shang, super-konyotik talaga. 'Ika nga noong isang babaeng naglalagay nang Equal sa kanyang peppermint latte sa Starbucks, "Shit, pare, my ringtone is so gay." Ang sarap ipakain ang cellphone.

Eniwei, sa madaling salita, wala pa rin akong nahanap na Jolography. Pero kaming mga taga-Los Banos ay nagkita by accident: una sina Terry at Titus galing sa ComArts Soc sa LB, tapos si Binky na dating BS leader ko sa CAP at ngayo'y minor celeb na.

Tapos punta kaming Eastwood (ngayon ko lang din nabisita) at kumain sa resto na napakabulok ang service (Pho Hoa) at pumunta kami -- ako, si Happy at Clarissa, Monica, at mga pinsan namin sa Manalo side na si Chinggay (at Arnold), at si Omar at Kim -- sa isang bar na OJ's ang pangalan. Medyo naweirdohan kami at ang crowd ay half our age -- puro mga batang kakasampa pa lang nang labing-anim, naglalaklakan na nang San Mig Lite.

Lalo na kaming napasabak sa kakonyohan noong kami'y lumipat sa 90 Proof, isang bar sa Emerald Ave. sa Ortigas na '80s music daw ang palaging tinutugtog (hindi naman) at nagpapalabas ay mga '80s na sine (Desperately Seeking Susan ang nasa TV noong pumasok kami). Medyo hindi kami magkarinigan (ang lakas nang Michael Jackson -- Mr. DJ, ang "Rock With You" ay 1979 'ata), kaya uminom at nanood na lang kami nang mga konyito't-konyita -- people who I despised yet whose lives I probably (secretly) envied. (Maari bang maging konyo kung taga-probinsiya, o ito ba'y sakop nang Maynila lamang? Ang pagka-promdi ba ay sufficient, though not necessary, na elemento nang kajologan?) Mga naka-porma, pa-Ingles-Ingles, may sindi sa dalawang daliri, mga mukha nilang makikinis na naiilawan nang kanilang mga cell phone. Noong nakakuha kami nang upuan sa labas, na-realize ko na lahat noong mga naka-doublepark na kotse sa labas ay mayroong mga drayber, nagaabang habang nag-gugudtaym ang mga anak nang amo nila. (Mabuti nga naman na hindi magmaneho nang lasing.)

Pagtama naman nang ala-una, napuno ang kalye nang mga naka-bihis-opisina, dahil nag-lunchbreak ang mga nasa call-center. Iyong Starbucks at MiniMart naman sa harapan ang dinumog nang tao.

Sa susunod: mga pagmumuni-muni tungkol sa call center.

Posted by the wily filipino at December 31, 2004 02:11 AM
Comments

hehe nakapunta ka na ba sa greenbelt o power plant? punta ka bilis. baon ka lang ng lipitor. :)

happy new year ser!

Posted by: markmomukhamo on December 31, 2004 02:34 AM

nasa pilipinas ka pala! nakaka-meow. i-email mo nga ako at hahanapin ko si paoling, para makontak ka. ibigay mo sa kin ang cell phone mo kung meron ka at ifo-forward to kay paoling, nang mabigyan ka ng libro. sabihin mo na rin kung hanggang kelan ka riyan.

ingat diyan. wag kang magawawatusi kasi baki mapaso ang byuti ng daliri mo.

o sige maligayang bagong taon na din. nasaan ka ba sa pinas?

Posted by: elserenito on December 31, 2004 06:33 AM

Kasi naman, email mo na lang kaya ang snail mail mo sa akin.

Posted by: psychicpants on December 31, 2004 08:38 AM

astig heheh, napunta ako dito nung naghahanap ako ng lyrics ng Seona Dancing. *apir* Mas malupet pag pumunta ka ng power plant savrockwell, may bayad ang hangin

Posted by: xjanusx on January 1, 2005 07:27 AM

Power Plant? Rockwell? Saan 'to?

'Yoko nang pumunta sa maraming sosy. Nakaka-insecure. =) Cubao na lang!

Posted by: the wily filipino on January 1, 2005 08:52 PM

You are more conio than you think, Sunny. I will not even editorialize or moralize on the concept. We can debate on this, when you get back, if you want. Inggit ako sa pasyal mo. Happy New Year! Romeo.

Posted by: Romeo Quintana on January 1, 2005 11:54 PM

Romeo: Sige nga? Debate!

BTW, nandito kahapon ang ermats at erpats mo. Maraming magandang tsismis.

Posted by: the wily filipino on January 2, 2005 04:12 PM

nakakita ako ng jolography sa megamall at sa sm north na national just before christmas. mas madali maghanap ng jologs na book sa jologs places. sana nag check ka sa national sa starmall o sa crossing, wlang papansin nun dun. ergo, walang kalaban na bibili.

Posted by: gtz on January 4, 2005 06:28 PM
Post a comment