Tagpuan: David's Salon, sa tabihan nang parkingan sa ilalim nang Robinson's sa Los Banos. Alas-onse nang umaga.
Tauhan: Jem, isang batang lalaking walang kibo na taga-shampoo at tagakuha nang sopdrink; Evelyn, isang customer; Sonia, isang maliit at buntis na hairdresser; Jaylord, isa ring hairdresser na puro itim ang suot.
Malakas ang aircon sa loob, sa awa nang diyos. Hindi mo marinig ang ingay nang mga batang naglalaro nang Ragnarok sa tindahan sa harap. Sa loob nang parlor malalanghap mo ang iba't-ibang amoy nang kemikal at shampoo. Pati na rin ang nasusunog na plastik.
"Eh biruin mo ba namang anim na oras yung rebonding. Eh magsasara na, sila na lang ang hinihintay," kuwento ni Sonia. Si Sonia ay buntis at mukhang malapit nang manganak, dahil parang bumagsak na ang batang pababa sa kanyang tiyan.
"Paano kasi iba-iba technique nang tao," paliwanag ni Jaylord. Kasalukuyan niyang ginugupitan si Evelyn. Mukhang malapit nang silang matapos. Hanggang balikat ang buhok ni Jaylord. Naka-itim siya na polo at itim na maong na parang binaston sa may paanan.
"Puede ba naman iyon, anim na oras? E di dinugo nang hindi oras yung customer?" tanong ni Sonia. Ubod nang bilis ang kamay niya sa paggupit sa akin.
"Ikaw ba, anim na oras magrebonding?" tanong ni Evelyn, sabay tingala kay Jaylord.
"Hoy Evelyn, hindi ha?" sagot ni Jaylord. Kinuha niya ang hair dryer. Mas magaling naman ako kay PJ.
Tawa si Evelyn at si Sonia. "Ang galing mong manira, wala lang dito si PJ," sabi ni Sonia. Tawa rin si Jem.
"Hmmph," sabi ni Jaylord habang sumimangot. Binuksan niya ang hair dryer sabay tinikwas ang kanyang buhok. Madalas niyang ginagawa ito.
"Hoy, iyan yung nangangamoy!" sigaw ni Sonia. Unti-unti kaming nakaamoy nang nasusunog na plastik. "Natakot yung isang customer kahapon noong ginamit ko."
"Ginagalaw ninyo kasi," sabi ni Jaylord. Tinigal niya ang pagboblowdry at inilipat niya ito sa ibang outlet. "Ako lang ang hahawak nito," sabi niyang bilang babala sa mga katrabaho niya.
"Sasabog iyan," sabi ni Sonia. "Hindi mo ba naaamoy?" Lumalakas na ang amoy nang nasusunog sa loob nang salon.
"Hindi 'to sasabog," sabi ni Jaylord. "Paano kasi, pag tumatama sa kahoy, nag-pipeedback yung init sa loob noong dryer kaya dalawang klaseng init yung nagsasama sa loob. Kailangan patakbuhin muna nang matagal para mawala ang amoy."
Medyo natahimik ang tropa sa loob nang salon. "Nagsalita ang expert," sabi ni Sonia makatapos nang ilang segundo. Umaandar pa rin ang hair dryer.
"Hoy! Dalawa anak ni Eb!" sigaw ni Sonia. Hindi ito narinig ni Jaylord, dahil nakayuko siya sa hair dryer at inaamoy ang likod noong makina.
"Putaragis ka!" sigaw rin ni Ev. Pero nakatawa siya. "Hayaan mo munang manganak si Sonia!"
Nakangiti lang si Jem, pero mukhang kinakabahan siya at katabi lang niya si Jaylord at ang hair dryer.
"Hindi 'to sasabog," inulit ni Jaylord. Nilakasan niya ang setting nang hair dryer. Mas umingay sa loob nang salon.
"Ano ba naman, Jaylord!" Bumunot bigla nang suklay si Sonia sa tabi nang lalagyan malapit sa mga bulaklak na plastik at inihagis kay Jaylord. "Itigil mo na 'yan!"
"Hindi 'to sasabog sinabi, eh." Kalmado si Jaylord na inaamoy-amoy yung hair dryer. Medyo lumayo na si Jem. Ako tumitingin-tingin na rin sa pintuan kung saka-sakaling kailangan akong umisplit bigla.
"O, ayan, wala nang amoy." Matagumpay na pinakita niya ang hair dryer. Baka nga lang nasanay na kami sa amoy nang nasusunog na hair dryer, pero tunay ngang hindi na naming maamoy.
"Oo nga, ano?" Mukhang medyo hanga si Sonia.
"Mga wala kasi kayong tiwala sa akin, eh," sabi ni Jaylord. "Mga walang tiwala."
Tinaas niya ang isang kamay na hawak ang hair dryer. "Trust in Jaylord," sabi niya. Tumalikod siya at umexit.
Posted by the wily filipino at June 12, 2007 03:15 AMbwahahaha! Trust in Jaylord. Priceless.
Posted by: iggy on June 18, 2007 05:51 PM