Kahulugan nang Kakonyohan.

Jan 04 2005 Published by Benito Vergara under Pinoy

E di napagbintangan ako nang kaibigan ko na konyo. (“You are more conio than you think, Sunny. I will not even editorialize or moralize on the concept.”) Ako naman, medyo siyak — ako? Eh malinaw na malinaw sa akin kung sino ang mga konyo noong ako’y nasa kolehiyo sa UPLB — una, sila mga taga-Maynila — at kung sino ang hindi (ako). (Totoo nga na ako’y pa-blog-blog, at nag-aral sa isteyts, pero merong kasing natatanging kahulugan ang pagiging konyotik, at hindi naaayon sa akin.)

Tinanong ko ngayon sa dalawang expert — isang Atenista at isang taga-Maynila — kung ako nga ba’y isang konyo, at mag-pa-assure na hindi. Ang sagot: “Ay naku, Sunny, malayong-malayo ka sa konyo. Sabihin mo sa kaibigan mo, mali siya.” (Buntong-hininga.)

Kaya heto, galing sa mga informants ko, ang mga necessary conditions para mabansagang konyo:

- Pera. (Puno’t-dulo ito, pero meron pang isang mas importante, which is…)
- Linggwahe. (Hindi lang wers, pero kolehiyala English talaga.)
- Damit. (“Gap,” sabi noong isa, pero mabilis siyang kinorek nang asawa niya. “Prada, Calvin Klein jeans, Girbaud…”)
- Saan nag-aral, college. (Dalawa lang na college, sa totoo lang: Arreneyo tsaka La Salle. “May konyo rin sa UP, pero…”)
- Saan nag-aral, high school. (Nagsilistahan sila nang mga iskwelahan na ngayon ko lang narinig yung iba: Assumption, Zobel something something, ICA, Wood something something, ano pa?)
- Tirahan. (Forbes, Dasma, Greenmeadows, ano pa? “Iba nga lang ang Konyong Alabang sa Konyong Pasay — mga Konyong Pasay, may rice rockets iyan.”)

Ako: “Puede ka bang konyo na taga-probinsiya?”
Informant: “Malimit, pero kailangan sa Maynila ka nag-college or at least high school.”
Ako: “Meron bang mga artistang konyo?”
Informant (mabilis): “Wala. Puro jologs iyon.” [Nagisip nang konti.] “A, meron — si Mikee Cojuangco. Si Kris Aquino.”
Informant #2: “Si Martin Nievera, puede rin.”

Kaya paki-linaw naman, mga mambabasa: sino ba nga ang konyo?

Popularity: 17% [?]

18 responses so far

Welcome To Konyo Kids Kountry.

Dec 31 2004 Published by Benito Vergara under Pinoy

Kahapon, bilang Part 8 of my quest na hanapin ang Jolography, pumunta kami sa heart of Konyo Kids Kountry, ang EDSA Shangri-La Plaza. Ngayon lang ako nakatungtong nang Shangri-La, at medyo nagulat ako sa mga tindahan doon: Furla, Burberry, Kenneth Cole, Bally. Paano kayang nananatiling bukas ito sa Pilipinas? Mas nakakatawa pa ay ang layout noong mall: hiwang-hiwa nang EDSA at nang LRT station ang Starmall at ang Shangri-La. Para talagang class divide, pero ang mga taga-Starmall ay nakakatawid papuntang Shang — kung baga’y nakakatikim ang tao nang ilusyon nang demokrasya…

Pati mga namimili sa Shang, super-konyotik talaga. ‘Ika nga noong isang babaeng naglalagay nang Equal sa kanyang peppermint latte sa Starbucks, “Shit, pare, my ringtone is so gay.” Ang sarap ipakain ang cellphone.

Eniwei, sa madaling salita, wala pa rin akong nahanap na Jolography. Pero kaming mga taga-Los Banos ay nagkita by accident: una sina Terry at Titus galing sa ComArts Soc sa LB, tapos si Binky na dating BS leader ko sa CAP at ngayo’y minor celeb na.

Tapos punta kaming Eastwood (ngayon ko lang din nabisita) at kumain sa resto na napakabulok ang service (Pho Hoa) at pumunta kami — ako, si Happy at Clarissa, Monica, at mga pinsan namin sa Manalo side na si Chinggay (at Arnold), at si Omar at Kim — sa isang bar na OJ’s ang pangalan. Medyo naweirdohan kami at ang crowd ay half our age — puro mga batang kakasampa pa lang nang labing-anim, naglalaklakan na nang San Mig Lite.

Lalo na kaming napasabak sa kakonyohan noong kami’y lumipat sa 90 Proof, isang bar sa Emerald Ave. sa Ortigas na ’80s music daw ang palaging tinutugtog (hindi naman) at nagpapalabas ay mga ’80s na sine (Desperately Seeking Susan ang nasa TV noong pumasok kami). Medyo hindi kami magkarinigan (ang lakas nang Michael Jackson — Mr. DJ, ang “Rock With You” ay 1979 ‘ata), kaya uminom at nanood na lang kami nang mga konyito’t-konyita — people who I despised yet whose lives I probably (secretly) envied. (Maari bang maging konyo kung taga-probinsiya, o ito ba’y sakop nang Maynila lamang? Ang pagka-promdi ba ay sufficient, though not necessary, na elemento nang kajologan?) Mga naka-porma, pa-Ingles-Ingles, may sindi sa dalawang daliri, mga mukha nilang makikinis na naiilawan nang kanilang mga cell phone. Noong nakakuha kami nang upuan sa labas, na-realize ko na lahat noong mga naka-doublepark na kotse sa labas ay mayroong mga drayber, nagaabang habang nag-gugudtaym ang mga anak nang amo nila. (Mabuti nga naman na hindi magmaneho nang lasing.)

Pagtama naman nang ala-una, napuno ang kalye nang mga naka-bihis-opisina, dahil nag-lunchbreak ang mga nasa call-center. Iyong Starbucks at MiniMart naman sa harapan ang dinumog nang tao.

Sa susunod: mga pagmumuni-muni tungkol sa call center.

Popularity: 2% [?]

8 responses so far